100 Kilo ng Frozen Meat, Nakumpiska

NAKUMPISKA NG mga tauhan ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga frozen meat na itinitinda sa Commonwealth Market kahapon ng madaling-araw.

Ito ay kaugnay sa diumano’y paglabag ng mga tindera sa pagbebenta ng frozen products.

Ayon kay Dr. Fernando Lontoc, head ng accreditation, registration and enforcement division ng NMIS, ang mga palengke na nagtitinda ng frozen meat ay dapat mapanatiling malamig o nag-yeyelo ang karne habang naka-display.

Dapat lamang na magkaroon ng transparent na freezer ang mga tindahan at hindi puwedeng nakatiwangwang ang kani-kanilang mga paninda, dagdag pa ni Lontoc.

Aabot sa 100 kilos na frozen meat ang nasamsam ng NMIS dahil sa paglabag sa RA 9296 o ang Meat Inspection Code at Consumer Act.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.