100 Estudyante, Nakiisa sa 3rd Shine Conference ng PDRRMC

NAGING MATAGUMPAY ang inilunsad na 3rd Shine (School  Hydrological Information Network) Conference ng Provincial Disaster Risk reduction and Management Council ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Layon ng programa na  mapalawig ang kaalaman ng mga mag-aaral na mula sa first year at Grade Vll. Nakapaloob dito ang mga pamamaraan kung paano makaiiwas sa kalamidad at pagtulong sa mga nangangailangan partikular sa mga aksidente sa lansangan.

Nabatid na nagsimula ang programang ito noong 4th quarter ng 2009 na dati’y tatlong bayan lamang ang dumadalo sa nabanggit na pagtitipon, subalit ngayon mula sa 21 bayan at 3 lungsod, labing-isang bayan mula sa mga public school ang nakikiisa sa programang ito.

Kabilang sa mga nakiisa sa programa ang mga mag-aaral ng Akle National High School ng San Ildefonso,Binagbag at Tabuk National High School mula sa bayan ng Angat, Bedasto at John Jay Russle National High School ng San Miguel, Doña Remedios Trinidad National High School, San Jose del Monte City National High School, Fortunato Halili National High School sa bayan ng Sta Maria, Tibagan National High School mula sa bayan ng Bustos, at San Rafael Trade National High Scool.

Ayon kay Ms. Liz Mungcal ng PDRRMO, lubhang malaki ang maitutulong ng Shine para sa mga kabataang mag-aaral dahil dito mahuhubog ang kanilang kaalaman kung papaano ang tamang paraan ng pag-rescue sa aksidente at sa mga nalulunod.

Kabilang din sa pagsasanay ng mga kabataan kung paano ang pagbasa ng rain gauge at level ng tubig-baha sa mga ilog na magbibigay ng babala sa mga residenteng nakatira sa mga mababang lugar na nasa tabi ng sapa o ilog.

Labis naman ang pasasalamat ng mga estudyanteng dumalo dahil maaari na nilang ibahagi ang kanilang kaalaman sa kapwa nila mag-aaral upang makaiwas sa kalamidad.

(TONY DELA PEÑA)  

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.