100 araw ni Oca, tagumpay

NAGING MATAGUMPAY at tuluyan natupad ni Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, ang kanyang mabubuting hangarin sa Caloocan City ito’y matapos ganapin ang kanyang “Unang 100 Araw” ng paglilingkod sa mamamayan taga lungsod na ginanap kahapon ng hapon sa University of the East-Caloocan.

Inisa-isa ni Mayor Malapitan ang mga mahahalagang nagawa ng kanyang administrasyon sa pangunang 100 araw, alinsunod sa isinusulong ng lokal na pamahalaan na pamantayang “Tao ang Una”.

Inilahad din ng alkalde sa publiko ang mga nakakasa na at ikinakasa pa lamang na mga plano at programa sa ilalim ng kanyang liderato.

Kabilang sa mga ito ay ang bagong Caloocan education roadmap, malawakang healthcare programs para sa mga residente, malalaking proyektong pang-imprastraktura, mga oportunidad sa pagnenegosyo, programa sa peace and order at bagong inisyatibo sa paglikha ng trabaho.

Iprinisinta ang pangkalahatang sitwasyon ng ekonomiya ng lungsod, kasunod ng mga naranasang “economic slump” ng Caloocan nitong mga nakalipas na taon.

Ang naturang okasyon ay dinaluhan nina 2nd District Representative Edgar Erice, Vice Mayor Macario Asistio III, 12 konsehal ng siyudad at mga department head.

Pati mga iba’t ibang sektor sa lungsog na pinangunahan ng mga negosyante, religous at civil society ay nakisaksi sa naturang okasyon.

(Mary H. Sapico / Roman Magpoc)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.