10 taon sa ex-gov at 5 pang opisyal

HINATULAN NG 10 taong pagkakabilanggo ang da-ting governor ng Sarangani Province at lima pang opisyal dahil sa kasong korap-syon.

Sa 63-pahinang desisyon ni Associate Justice Rodolfo Ponferrada, napag-alaman ng graft court na nagkasala sina Sarangani Governor Miguel Escobar sa malversation of funds kasama ang dalawang akusado na sina provincial treasurer Cesar Cagang at management at audit analyst Vivencia Telesforo.

Ang tatlo ay hinatulan ng 10 hanggang 18 taon at walong buwan sa kulu-ngan, maliban pa sa multang P300,000, at perpetual special disqualification na makapagtrabaho sa public office.

Habang sina dating provincial administrator Perla Maglinte, executive assistant Amelia Carmela Constantino-Zoleta at incumbent provincial board member Eugene Alzate ay convicted sa kasong estafa charge through falsification of public documents.

Hinatulan din sila ng 10 hanggang 11 taon at apat na buwan na pagkakakulong at pinagmumulta ng P300,000.

Kinumpirma naman ni incumbent provincial board member Eugene Alzate na nalaman na ang desisyon ng Sandiganbayan at nakatakda silang magsumite ng motion for reconsideration.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.