10 SUNDALO, PATAY SA NPA

KASABAY NG UNANG Simbang Gabi, epektibo na kahapon ang unilateral ceasefire o ang suspension of offensive military operation (SOMO) ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa New People’s Army (NPA).

Sinabi ni AFP spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta, maaari umanong makauwi sa kani-kanilang pamilya ang mga sundalo ngunit by batch upang may maiwan na naka-duty.
Gayunman, tiniyak ng liderato ng AFP NA Kahit may SOMO, nasa active defense posture pa rin ang mga sundalo upang matiyak ang kapayapaan sa bansa.

Hiniling ni Mabanta sa mga rebelde na ikontrol ang kanilang mga kasapi upang matiyak na maipatupad ng mga ito ang napagkasunduan at ang kanilang pa-ngako na walang offensive operation sa panahon ng ceasefire na magwawakas hanggang Enero 3, 2011.

Mistula namang nakais-kor ang rebeldeng New People’s Army (NPA) kontra militar dahil isang araw bago epektibo ang ceasefire, kanilang tinamba-ngan at napaslang ang 10 sundalo at isang paslit sa Northern Samar noong Miyerkules.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.