10 PATAY, ISA KRITIKAL SA CONSTRUCTION SITE

Patay ang 10 trabahador sa Eton Residences construction site sa kanto ng Paseo de Roxas at Gallardo Street sa Makati City  matapos  bumagsak  ang  sinasakyang  elevator ng mga biktima at mahulog mula sa ika-28 palapag hanggang sa ika-7 palapag ng nabanggit na lugar sa ganap na 11:45 kahapon ng umaga batay sa report ng pulisya.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Gerzon Moncada, tumatayong imbestigador mula sa Bureau of Fire, nagkaroon ng matinding motor malfunction ang elevator kaya nauwi sa madugong aksidente. Sampu sa mga biktima ng aksidente ang dinala sa Ospital ng Makati at dalawa naman sa Makati Medical Center.

Kinilala ang mga trabahador ng CE Construction company na nasawi sa Ospital ng Makati na sina Joel Abezilla, Celso Mabuting, Michael Tatlonghari, Kevin Mabunga, Borz Cristobal, Tisoy Perez, Vicente Pinion, William Banez, Jaykie Legada at Diocado Jeffrey, ani Moncada.

Pagkakabali-bali ng mga parte ng katawan at malubhang sugat sa ulo ang ikinamatay ng mga biktima ayon kay FO1 Jomar Jumawan.

Samantala, isa sa mga biktima ang agaw-buhay pa rin sa ospital ayon sa report. (Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.