10 Outstanding Youth Leaders, Pinarangalan

BILANG PAGKILALA sa kagalingan ng sampung kabataan, binigyan ng pagpugay at parangal ang mga ito ng pamahalaang lokal kamakailan sa pagsasara ng school year 2011-2012.

Tinaguriang ‘Ten Outstanding Youth Leaders’ ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang mga kabataan na nagbigay ng kanilang talino at kagalingan sa paaralan na pawang mga mag-aaral sa pampublikong paaralan ng lungsod.

Malugod na tinanggap ang kanilang karangalan o sertipiko mula sa alkalde na ang tatlo sa kanila ay sina Erica Clarisse Malaca, Christian de Leon, Christine Lacson at iba pa.

Ang nasabing parangal ay taunang ibinibigay sa mga kabataan mag-aaral na nagpakita ng kanilang galing at talino sa kanilang paaralan na pinapasukan upang magsilbing inspirasyon sa iba pang kabataan .

Isa rin silang halimbawa sa iba pang mga kabataan upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at maging aktibo sa kanilang responsibilidad sa pamayanan.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.