10 milyong Pinoy, Iaahon sa Hirap – NEDA

TINATARGET NG pamahalaan na maiangat sa kahirapan ang 10 milyong Pinoy bago bumaba sa puwesto si Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III.

Sinabi ni Socio-Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan na nais ng kasalukuyang administrasyon na matapyasan ng 16.6 porsyento ang bilang ng mga mahihirap pagdating ng pagtatapos ng 2015.

Ang nasabing target ay sa kabila ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, credit rating upgrades at paglakas ng stock market sa unang tatlong taon ng panunungkulan ni Aquino.

Sa ngayon, nasa 7.5 porsyento ang unemployment rate sa bansa taliwas sa ‘fastest growth rate’ sa Asya na naitala ng Pilipinas.

Isa ang Pilipinas sa mga bansang may malawak na rich-poor divides sa Asya.

Kapansin-pansin din ang maliit na bilang ng mga pamilyang nangunguna sa pulitika at negosyo.

Dahil hindi nadadama ng mga Pilipino ang mga pag-unlad na nakikita sa istadistika, dito na nagpatupad ng “recalibrating” ang administrasyong Aquino, ani Balisacan.

Bahagi aniya ng gaga-wing remodelling efforts ang pagbuhos ng pondo sa imprastraktura, paglikha ng mga trabaho at pagporma sa mga lugar na hihikayat ng pamumuhunan partikular ang mga pantalan, paliparan at kalsada.

Mula 2.5% noong 2012, dodoblehin ang infrastructure spending sa 5% sa 2016.

Ibubuhos din ang paggastos sa social services tulad ng “conditional cash-transfer”.

Samantala, sa ganitong mekanismo, nananatili sa 6.0 hanggang 7.0 porsyento ang inaasahang economic growth ng pamahalaan ngayong taon at 7.0 hanggang 8.0 porsyento sa taong 2015.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.