10 menor de edad, tumakas sa DSWD holding area

NAKATAKAS ANG 10 menor de edad na nakagawa ng paglabag sa batas matapos na lagariin ang bintanang bakal ng holding area ng Department of Social Welfare and Development sa Navotas kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang mga tumakas na sina Rodel Ordello; Niño Kiskisan; Rico Labian; Virgilio Paragas; Bryan Ortillano; Daryl Salvador; Mark Philip Batersar; Raymond Gaspar; Demostenes Gilbuena at Rommel Alonzo.

Agad namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga awtoridad na nagresulta sa muling pagkakaaresto kina Batersar at Gilbuena na pagala-gala sa Navotas Fish Port Complex.

Sa ulat, sa pagitan ng alas-3:30 at alas-4 ng umaga nang makatakas ang mga menor de edad sa holding area ng DSWD kadikit lang ng Navotas Police Station.

Nabatid na nilagari ng mga menor de edad ang bakal na bintana kung saan dumaan ang mga ito sa pagtakas.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.