10 menor de edad na biktima ng illegal recruitment, ni-rescue

DAVAO CITY – MATAGUMPAY na nailigtas ang 10 menor de edad na babae na ikinulong ng kanilang recruiter sa Matina, sa lungsod ng Davao.

Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang M.R. Manpower Recruitment Agency dahil sa naganap na insidente.

Aminado si Regional State Prosecutor Antonio Arellano na hindi pa nila maaaring ibunyag kung lumabag sa batas sa human trafficking ang nasabing ahensiya dahil sa hindi ipinaalam sa mga biktima, kung saang bansa sila ipapadala.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ang M.R. International ay hindi lisensiyado sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA) na mag-recruit ng mga manggagawa na gustong magtrabaho sa ibang bansa.

Dahil dito, posible na maharap sa kasong large-scale illegal recruitment ang operator ng nasabing recruitment agency, ani pa ni Arellano.

Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ng City Social Services and Development Office (CSSDO) ang mga biktima. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.