10 Magdalena, dinakip

SWAK SA PIITAN ang 10 Magdalena na sinasabing nagbebenta ng panandaliang-aliw sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kasalukuyang nakapiit ang mga Magdalena na may mga edad 22 hanggang 36.

Base sa ulat, alas-10:30 ng gabi, nagpapatrulya ang mga pulis sa paligid ng Monumento ng lungsod nang mapansin ang mga kababaihan na nakatambay sa Araneta Square at ilang kalalakihan ang lumalapit.

Agad na nagbabaan ang mga pulis at nang mapansin ng mga bebot at parokyano ang mga una ay nagpulasan subalit 10 sa mga ito ang nadamba.

Nabatid na aabot sa P300 hanggang P500 ang kapalit ng serbisyo ng mga Magdalena.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.