10 Katao, Kritikal sa Salpukan ng Kotse at Dyip

SAMPUNG KATAO ANG nasa kritikal na kondisyon makaraang magsalpukan ang isang kotse at pampasaherong dyip kamakalawa ng hapon sa Olalia Road, Dela Rosa Compound., Antipolo City.

Kinilala ni Supt. Manuel Pion, chief of police, na kabilang sa mga sugatan ang mag-asawang sina Rogelio Anievas, 69, at Olivia Anievas, 66, kapwa nakatira sa # 12 Road-17, Cogeo, Antipolo; Rainer Batadhay, 32; Roveric Batadhay, 26; Charita Vacunawa, 51; Marybet Granton, 1; Marilou Granton, 46, anyos ina ng paslit; Ronelia Batadhay, 34; Daniela Manalansan, 7; Jana Batadhay, 16; Gennalyn Wayainilet, 9; Susana Barameda, 43; at Russell Celis, 32, kapwa mga taga-Antipolo.

Target naman ng manhunt-operation ng pulisya ang tumakas na suspek na drayber ng dyip na si Robert Angala y Icuspit, 42, nakatira sa Sitio Upper Sto. Nino, ng nasabing lungsod.

Sa imbestigasyon ni P02 Michael dela Peña, dakong alas-3:00 ng hapon nang mangyari ang aksidente sa Olalia Road, Dela Rosa Compound., Brgy. Dela Paz.

Lumilitaw na sakay ang mag-asawang Anievas, sa Honda Jazz Hatchbacvk na may plakang ZBF-116 nang banggain ito ng nawalan ng prenong dyip na may plakang TXR-852.

Nabatid na kapwa patungo ang kotse at dyip sa Cogeo, Antipolo at nauuna ang kotse sa pampasahe-rong dyip nang mawalan ng preno ang dyip at araruhin ang kotse pati na ang poste ng Meralco na ikinasugat ng mga pasahero.

Tumakas ang drayber ng dyip matapos ang aksidente, ngunit sinaklolohan naman ng mga residente sa lugar ang mga biktimang pasahero at ang mag-asawang Anievas na sakay naman ng kotse at dinala sa iba’t ibang pagamutan.

Habang isinusulat ang balitang ito kapwa nasa ospital pa ang 13 biktima, samantalang nakalalaya pa rin ang drayber ng dyip na tumakas matapos ang aksidente.

(ZUNATO TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.