10 Barong-Barong sa Mosque Area, Natupok

DAHIL YARI sa light material o tagpi-tagping lawanit at coco lumber, hindi na nagawan ng paraan para maapula ang apoy na lumamon sa sampung kabahayan sa Cotabato City.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection – Cotabato City, pasado alas-12 ng tanghali ng Sabado nang sumiklab ang apoy sa isang residential area sa Barangay Poblacion Tres sa nasabing lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy kaya naman wala pang isang oras ay naabo ang nasabing mga bahay.

Sinasabing nasa loob ng mosque ang mga residente rito kaya hindi na agad napasok ng mga bumbero at hindi na rin nagawa pang maisalba ang kanilang mga ari-arian.

Patuloy na iniimbestigahan ng BFP ang pinagmulan ng apoy habang tinataya na ang halaga ng pinsala nito.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.