10 Bahay, Sira sa Buhawi sa Bulacan

NAWASAK ANG nasa 10 kabahayan sa pananalasa ng buhawi sa Bustos, Bulacan noong Biyernes.

Sa sobrang lakas ng hangin, natibag maging ang mga pader.

Sinabayan pa ito ng pag-ulan ng yelo na ayon sa mga residente ay kasing-laki ng holen.

Paliwanag naman ng PAGASA, bahagi ng isang severe thunderstorm ang buhawi at pag-ulan ng yelo.

Samantala, oras lamang ang binibilang para ito mabuo at posibleng mangyari kahit saang lugar.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.