10-anyos, pisak ang ulo sa cargo truck

NASA KUSTODIYA na ng mga awtoridad ang truck driver na umano’y nakasagasa sa isang 10-anyos na batang lalaki sa Sitio Talisay, Brgy. Indahag sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang biktima na si Michael Villamero, residente sa naturang lungsod.

Ayon sa mga nakasaksi, may kargang mga produktong semento ang nasabing truck nang pilit hinabol ng bata. Bigla umanong umatras ang truck kaya nabangga ang naturang biktima.

Sinasabing nabasag ang

ulo ng biktima matapos mabagsakan ng 10 sako ng semento dahilan upang hindi na umabot pa nang buhay nang isugod sa pribadong pagamutan. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.