10-Anyos, Patay sa Napulot na Granada

PATAY ANG isang 10-anyos na batang lalaki matapos masabugan ng napulot na granada sa Danao City, lalawigan ng Cebu.

Kinilala ang nasabing menor de edad na si Albert James Lawas, kung saan napulot nito ang sinasabing granada sa likod ng kanilang ta-hanan.

Ayon sa ina ng biktima na si Marites Lawas, na-ngangalkal ng bakal ang kanyang anak upang ibenta ngunit isang granada ang napulot nito at nang hinagis ay sumabog ito dahilan para magtamo ito ng malulubhang sugat.

Agad na dinala ang bata sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (VSMMC), ngunit makalipas ang ilang oras ay binawian rin ito ng buhay.

Samantala, patuloy pa ang pagsisiyasat ng Danao City police sa naganap na insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.