10-anyos, patay sa duyan

CEBU CITY – NATAGPUANG wala nang buhay ang 10-anyos na batang babae matapos na aksidenteng natali ang leeg ng biktima sa lubid ng isang duyan sa Sitio Buot, Brgy.Taop, lalawigan ng Cebu. Kinilala ang biktima na si Ronela Sabroso.

Binabantayan umano ng biktima ang kanyang isang taong gulang na nakababatang kapatid na nakaduyan nang mangyari ang insidente, ayon kay SPO4 Alex Dacua, ng homicide section ng Cebu City Police Office.

Dagdag pa ng pulisya, nakita na lang ng kanilang kapitbahay si Sabroso na nakabigti na at wala nang buhay habang nakapulupot ang lubid ng duyan sa leeg nito. Nadatnan din ng mga kinauukulan ang sanggol na nasa sahig at umiiyak.

Samantala, labis ang hinagpis ng mga magulang ni Sabroso dahil hindi umano nila inaasahang ganoon ang mangyayari sa kanilang anak na nagbabantay lamang sa nakababatang kapatid.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.