10-anyos na nene, Paulit-ulit na Ni-rape ng amain

NAGWAKAS NA RIN ang kalbaryo ng isang sampung taong gulang na batang babae na paulit-ulit na ginahasa ng kanyang stepfather sa lungsod ng Zamboanga.

Sa report na nakarating sa Kampo Crame, agad sinampahan ng kasong panggagahasa at paglabag sa R.A. 7610 o child abuse law ang suspek na si Agustino Cabasag Jr., 27, ng Brgy. Sta. Maria sa nabanggit na lungsod.

Nabatid na naaresto ang suspek alas 6:30 ng gabi matapos na humingi ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa Police Station 7 ng Zamboanga City Police Office dahil na rin sa sumbong ng mga kaanak ng biktima na hindi pinangalanan.

Lumabas sa imbestigasyon positibong matagal nang ginagahasa ang bata patunay ang naghilom nang sugat sa kanyang pagkababae kung saan ang pinakahuling panghahalay ng suspek sa biktima ay noong alas-11:00 kamakalawa ng gabi habang nag-iisa ang bata sa kanilang kuwarto.

Hindi na nakapalag ang suspek nang maaktuhan ng isa sa mga kaanak ng bata ang ginagawa nito sa kanyang stepdaughter kung kaya’t agad na ipinaalam sa barangay at huli sa akto ang suspek.

(SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.