10-anyos na dalagita, itinapon sa creek

KALUNUS-LUNOS NA KAMATAYAN ang sinapit ng isang 10-taong gulang na batang babae na pinatay sa sakal at pagkatapos ay itinapon sa mabasurang creek sa Valenzuela City, kamakailan.

Ayon kay Ernesto Oxales, 49, ng No. 19 F. Lucero St., Viente Reales ng nasabing lungsod, ama ng biktimang si Leinna Mae, dapat madakip na ng mga pulis ang may kagagawan sa karumal-dumal na krimen na sinapit ng kanyang anak bago ito ilibing sa Linggo.

Magpa-hanggang sa ngayon ay wala pang lead ang mga pulis para makilala ang kriminal.

Kwento ni Ernesto, nagpaalam sa kanya ang kanyang anak na pupunta sa isang kaibigan noong April 16, 2011.

Lumipas ang  isang Linggo, hindi na bumalik sa kanilang bahay si Lienna Mae kung kaya’t nagpasya na ang ama nito na ipa-blotter sa Barangay Hall at Police Community Precinct (PCP) 6 ang pagkawala ng dalagita.

Ilang araw pa ang lumipas, nagimbal si Ernesto nang may makapagbalita sa kanya na natagpuan na ang anak ng mga tauhan ng Clean and Green at wala nang buhay matapos itapon sa creek sa PNR Railways, Mac Arthur Highway, Brgy. Dalandanan, Valenzuela City, bandang alas-11:00 ng umaga.

Bagama’t agnas na sanhi ng matagal ng pagkakababad sa tubig, lumabas pa rin sa autopsy report ng Scene on the Crime Operatives (SOCO) ng Northern Police District (NPD) na pinatay sa sakal ang biktima.

Sa follow-up investigation ni P/ Chief Inspector Danilo S. Bugay, hepe ng Station Investigation and Detective Management Branch (SIDMB), tinangka umanong halayin ng suspek ang dalagita, subalit nanlaban ito kung kaya sinakal.

“Nakita sa creek ang tsinelas ng victim pati na rin ‘yung short na pink,” paliwanag ni Bugay.

Patuloy na tinututukan nina Bugay ang kasong ito ni Lienna Mae.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.