10-15 Mambabatas, Kakasuhan Din sa Pork Barrel Scam

INIHAYAG NI Atty. Levito Baligod na umaabot sa 10 hanggang 15 pang mga mambabatas ang nakatakdang kasuhan sa ikalawang batch na may kinalaman sa paglustay ng pork barrel fund o PDAF.

Sinabi ni Baligod, abogado ng mga whistleblowers na nakiki-pag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DoJ) sa pagkompleto ng mga ebidensya laban sa mga bagong listahan na mga kakasuhan.

Mas marami umano ang kanilang isinangkot sa kontrobersyal na iskandalo.

Agad naman itong dumipensa na hindi tini-tingnan dito kung anong partido ang kakasuhan mapa-administrasyon o sa oposisyon.

Maaalala na sa unang kaso ay idinawit sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Juan Ponce Enrile, Sen. Bong Revilla, limang mga congressman at maraming iba pa kasama na si Janet Lim-Napoles, na itinuturing na isa sa utak ng scam.

Samantala, kabi-lang sa pinagbatayan ng kanilang ikakaso ay ang endorsement letter na may lagda ng mga mambabatas na pumapabor sa isang foundation na maituturing na iligal, paliwanag pa ni Baligod.

“Mas marami nga-yon. At least to be safe, ano, at least 10 legislators,” ani Baligod. “May mga legislators kasi tayo na nakahingi ng pondo na hindi PDAF like for example if you are a member of the Commission on Appointments, may access ka sa ibang funds or member ka ng committee on transportation nakakakuha ka ng pondo sa Department of Transportation and Communications. Ito ‘yung mga congressional insertions noon.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.