1 Utas sa Pamamaril sa Alumni Homecoming

PINAGHAHANAP NA ng pulisya ang suspek sa pamamaril sa bayan ng Sagñay sa Camarines Sur.

Kinilala ni Pol. S/Insp. Louie Manuel Dela Peña ang salarin na si Elmer Paga na agad tumakas matapos ang ginawang krimen.

Batay sa report ng nasabing opisyal, binaril ang biktimang si Ignacio Villanueva habang nasa homecoming sa Villanueva sa Kilantaao Elementary School sa Barangay Kilantaao ganap na alas-3 ng madaling-araw.

Bigla na lamang umano itong nilapitan ng suspek at pinaputukan ng dalawang beses gamit ang kalibre 38 baril na sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Lumalabas naman sa pagsisiyasat ng mga awtoridad na matagal nang away ang dahilan ng pagpaslang sa nasabing biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.