1 utas; 2 sugatan sa livewire

PATAY ANG isang binatilyo matapos makuryente nang tinulungan ang dalawang magkapatid na unang nakur-yente sa bayan ng Malungon, Sarangani.

Nakilala ang nasawi na si Kurt Medalle, 16 anyos , residente ng Sitio Consolacion, Brgy. Banahaw.

Habang sugatan naman ang magkapatid na sina Jimmy Muhada, 22 anyos; at Dimple.

Nabatid na pauwi na ang tatlo nang nahawakan ni Dimple ang livewire at nakuryente at agad nilapitan ng kapatid subalit ito naman ang napahamak kaya tumulong si Kurt subalit siya ang minalas at nasawi.

Sa ngayon patuloy pang inoobserbahan ng mga doktor ang magkapatid sa pagamutan sa General Santos City.          (EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.