1 taong gulang na anak, pinatay sa palo ng ama

ARESTADO ANG 21-ANYOS na ama nang mapatay nito sa palo ang isang taong gulang na anak na lalaki sa Cebu City, kamakalawa.

Nahaharap sa kasong parricide si Restituto Ibo dahil sa pagpatay sa anak na si Patrick.

Iniwan ng ina ng biktima na si Cora ang anak at asawa sa kanilang bahay sa Sapang Dako District sa naturang lungsod upang maglaba sa ilog.

Nairita umano si Restituto sa walang tigil na iyak ni Patrick kaya’t pinagpapalo niya ito.

Naabutan ni Cora na nahihirapang huminga ang anak kaya’t pinainom niya ito ng tubig subalit nawalan na ng malay.

Sa imbestigasyon, nagtamo ang bata ng pinsala sa noo, panga at pisngi habang ang kanyang kanang kamay ay nabali.

(EUNICE CLMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.