1 tanod at 1 dating kagawad, patay sa pamamaril

SAN ILDEFONSO, BULACAN – Dalawang lalaki ang agad na binawian ng buhay makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa barangay Maasim sa bayang ito kahapon ng umaga.

Base sa report na nakara-ting kay P/Chief Supt. Allan La Madrid Purisima, PNP Regional Director, nakilala ang mga biktima na sina Jose Jimenez, 42, barangay tanod; at Romeo Veneraccion, 56, dating barangay kagawad, mga residente ng Brgy. Maasim at Brgy. Sapang Putik.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, dakong alas-7:00 ng umaga, habang nasa waiting shed ang dalawang biktima ng paputukan ang mga ito ng hindi nakilalang suspek gamit ang 9MM na baril lulan ng kulay itim na Honda XRM.

Nabatid pa sa ulat ng pulisya na target ng suspek ang barangay tanod, subalit na-damay sa pamamaril ang dating kagawad.

Natagpuan sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng 9MM. Samantala, patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

Kaugnay nito patuloy naman ang isinasagawang im-bestigasyon ng mga pulis, kung ano ang motibo ng pamamaril at kung sino ang nasa likod ng pamamaslang.

(TONY DELA PEÑA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.