1 Sundalo Patay sa Engkwentro

ISANG SUNDALO ang nasawi nang makasagupa ang mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan ng Buug, Zamboanga Sibugay province.

Batay sa report ng Philippine Army 1st Infantry Division, nabatid na nagsasagawa ng reconnaisance operation ang biktima sa may bisinidad ng Brgy. Compostela nang makasagupa ang ‘di mabilang na armadong rebelde.

Umigting ang 30 minutong palitan ng putukan na ikinasawi ng sundalo na miyembro ng 53rd Infantry Battalion habang hindi naman mabilang ang casualties sa panig ng NPA.

Sa ngayon, mas pinaigting ang hot pursuit operations na inilunsad ng mga sundalo laban sa mga rebeldeng komunista.

Ayon kay 1st Infantry Division spokesman Capt. Alberto Caber, ipinag-uutos ni 1st ID commanding general Maj. Gen. Rainer Cruz ang pagtugis sa mga rebelde na patuloy sa paghasik ng karahasan sa nasabing lugar.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.