1 sa Suspek na Nakapatay ng Pulis, Nadakip na

 

NADAKIP NA ang isa sa tatlong suspek sa pagpatay sa dalawang pulis sa Caloocan City matapos inguso ng tatay ang pinagtataguan sa Quezon City kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang nadakip na si Romulo Auditor, 38, ng Batasan Hills, Commonwealth ng lungsod habang nakapuga sina alyas Ernest Castillo na dating pulis Quezon City at alyas Dondon.

Ang tatlo ang suspek sa pagpatay kina SPO3 Tom Perez at SPO1 Tirso Roncales kapwa ng Caloocan City Police noong Setyembre 4, alas-11:30 ng umaga sa Balwarte, Phase 8, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-11 ng umaga nang ituro kung saan nagtatago si Auditor ng kanyang ama na si Pablo na naging dahilan upang puntahan at madakip sa nasabing lugar.

Kasalukuyang pinagha-hanap pa ang dalawang kasama ni Auditor.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.