1 sa 3 Tropa, Nilamon ng Dagat

BIGO PA ring matagpuan ng mga tahunan ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Coastguard at SBMA Law Enforcement ang katawan ni Karecel Dongaran, 29 anyos, ng Caloocan City na umano’y tinangay ng malalaking alon sa baybayin ng Nagpajo, Sitio Crossing, Brgy. Poblacion, Morong, Bataan.

Sa ulat na nakarating

sa tanggapan ni PNP Regional Director P/Chief Supt. Edgardo Ladao sa Camp Olivas, kinilala ang mga nailigtas na sina Shella Cordial Y Ragamit, 26, dalaga, ng Casemiro, Novaliches Quezon City; at Joy Mateo Y Fajardo, 29, kaibigan ng nawawalang biktima.

Ayon sa magkaibigan na nakaligtas sa trahedya, bigla na lamang umanong lumaki ang alon at malakas din ang current ng tubig ng dalampasigan kung saan masayang naliligo ang tatlo.

Anila agad silang nakahingi ng tulong sa mga mangingisda, at sa mga buystander doon kaya agad silang dinala sa Rural Health Unit ng Morong.

Subalit ang kanilang kaibigan, bigo pa ring matagpuan ng mga rescuer ng SBMA, Bataan at Philippine Coastguard.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.