1 sa 3 carjackers na tumangay sa sasakyan ng pari, nadakip!

SWAK SA BALDE ang isa sa tatlong tatlong carjackers na tumangay sa kotse ng isang pari, habang nakaparada ito sa likod ng simbahan sa Valenzuela City, noong Miyerkules ng umaga.

Nakakulong ngayon sa Valenzuela Detention Cell at nahaharap sa kasong carnapping si Erick Gasataya, 26, may asawa, residente sa #19 Agapita St., Marulas ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap pa mga tauhan ni SPO3 Manny Griarte Jr., chief ng Anti-Carnapping Unit ng Valenzuela Police ang mga kasamahan nito na nakilala lamang sa alyas na “Richard” at “Amang.”

Magugunita na tinangay ng mga carjackers ang Isuzu Sentivo Infinite Gold (RST-127) ni Fr. Ranillo Trillana, 54, Kura Paroko ng Sto. Cristo Church na matatagpuan sa Kapitan Akong St., Marulas noong Abril 20, 2011, bandang alas 3:00 ng umaga, habang nakaparada sa likod ng nasabing simbahan.

Sa follow-operation nina SPO3 Griarte, may dalawang witness na nakakita sa mga suspek na nakatambay sa harap ng cooperative office na katapat mismo ng Sto. Cristo Church.

Kasama ni Griarte sina PO2’s Hoover Ireneo, Sherwin Fajardo, Alexander Pael at Servando Maducdoc, nilusob ng mga ito si Gasataya sa kanilang bahay at inaresto.

Nabatid na may dati nang carnapping case sa Valenzuela Police si Gasataya noong nakaraang taon.

Positibo siyang itinuro ng dalawang witness na nasa harap ng simbahan, ilang sandali bago nawala ang sasakyan ni Fr. Trillana. Pinabulaanan naman ng suspek ang alegasyon sa kanya.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.