1 sa 2 Suspek na Humoldap, Humalay at Pumatay sa Dalaga, Nadakip Na

NADAKIP NA ng mga pulis ang isa sa dalawang holdaper na humalay at pumatay sa dalaga matapos makita sa Close Circuit Television ang una na nakaakbay sa huli sa Valenzuela City.

Nahaharap sa kasong rape at robbery with homicide si Vrian De Guia, 17, ng Cabral St., Maysan ng lungsod habang nakatakas naman si Marcelo Pabelonia, Jr., alyas Jay-ar.

Sa record, ala-1 ng hapon noong Disyembre 27, 2011 nang matagpuan ang bangkay ng biktimang si Grace David, 36, ng Lucas St., Maysan ng lungsod na natatabunan ng mga damo sa bakanteng lote sa Cabral St., Maysan.

Makalipas ang isang linggo, nakuha ng mga pulis ang video na nakakabit na CCTV sa Cabral St., at nang tingnan ay lumitaw si De Guia na nakaakbay sa biktima habang naglalakad alas-12:15 ng umaga, Disyembre 27, 2011.

Inimbitahan ng mga pulis si De Guia na nakunsensiya at sinabing nakainom sila ng alak at napagtripang holdapin ang biktima na naglalakad.

Tinutukan umano ng patalim ni Jay-ar ang biktima bago nila dinala sa bakanteng lote sa Cabral St., at doon hinalay bago binagsakan ng malaking tipak ng bato ang ulo ng dalaga na naging sanhi ng pagkamatay.

Kinuha ni Jay-ar ang pera ng dalaga at inabutan ng P500 si De Guia bilang parte.

Napunta rin kay De Guia ang Motorola cellphone ng dalaga na ibinenta ng una sa isang tiyahin at nang kunin ng mga pulis at ipinakita sa ina ng biktima ay sinabing sa kanyang anak nga iyon na naging dahilan upang sampahan ng mga nasabing kaso ang mga suspek.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.