1 photog, patay; 4 sugatan sa pagsabog sa Cotabato City

ISANG PHOTOGRAPHER ANG halos malasog ang katawan habang apat na iba pa ang sugatan nang pasabugan ang isang drug store sa Cotabato City, Maguindanao.

Kinilala ang nasawi na si Gemana Ali alyas Jimmy, 53 anyos at residente sa nasabing lugar.

Sa sketchy report na ipinarating ni Chief Supt. Bernjardi Mantele, director ng Provincial Police Region 12 sa Camp Crame, pasado alas-2:00 ng hapon nang sumabog ang isang improvised explosive device na inilagay sa isang motorsiklo sa harap ng drug store sa Quezon Avenue, Cotabato City.

Kinilala naman ni Sr. Roberto Badiang, hepe ng Cotabato City PNP ang mga sugatan na sina Nancy Lagamon, Datu Karutin, Delio Kamandang, at isa pang ‘di napangalanan.

Sinasabing iniwan ng mga hindi nakilalang suspek ang motor sa harap ng drug store at hindi naman sinita ng mga tao sa lugar sa pag-akalang bumibili lamang ang driver nito.

Gayunman, makaraan ang ilang segundo ay sumabog ang motorsiklo.

Samantala, patuloy na ginagamot ang apat na sugatan.

Patuloy naman ang im-bestigasyon sa nasabing insidente. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.