1 Patay sa Salpukan ng Bus at Motorsiklo

PATAY ANG isang motorcycle rider matapos masangkot sa aksidente sa Barangay Banaoang, Santa, Ilocos Sur.

Nakilala ang nasabing biktima na si Perry Baggayan, 27, isang security guard na taga-Barangay Manueva, ng naturang lugar.

Batay sa ulat, tinatahak ng biktima ang national highway na sakop ng lugar nang nawalan ito ng kontrol dahil sa madulas na daan hanggang napunta ito sa kabilang linya.

Sumalpok ito sa paparating na bus na minamaneho ni Rhowin Leones, 35, ng Banaoang, Bantay, Ilocos Sur.

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na nagresulta sa kanyang pagkamatay habang ginagamot sa Metro Vigan Cooperative Hospital.

Samantala, sumuko ang driver ng bus habang patuloy naman ang isinasagawang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa naturang aksidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.