1 Patay sa Group Swimming

ISA NA namang outing ang nauwi sa trahedya sa Quezon Province.

Ito’y matapos malunod habang naliligo sa isang public resort ang biktimang si Bernie Ragaza sa bayan ng Sariaya sa nasabing  lalawigan.

Sinabi ni PO1 Dennis Norbe ng PNP-Sariaya na nabatid na nagtungo ang biktima kasama ang kanyang mga barkada sa lugar upang mag-swimming.

Subalit habang nag-iinuman ay nagpasya umano itong maligo muna kung saan huli siyang nakitang nagtatampisaw sa abot-tuhod na tubig.

Ngunit makalipas ang 30 minuto ay hindi na nakita ang biktima at natagpuan na lamang na wala nang buhay.

Samantala, bagama’t sinubukan pa siyang i-revive ng isa sa kanyang mga kaibigan, ngunit hindi na ito naisalba pa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.