1 Patay sa Duwelo ng 2 Lasing
Piyesta, bumaha ng dugo

SA HALIP na pag-indak, nagpulasan mula sa dance floor ang mga taong dumalo sa piyesta nang magduwelo ang dalawang lasing na ikinasawi ng isa sa bayan ng Candelaria, Quezon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Enrco Brinosa, 33-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Labanlaban, Candelaria.

Habang ginagamot naman sa Peter Paul Hospital bunsod ng sugat sa ulo ang nakapatay na si Armando Amat, 39-anyos, kapitbahay ng biktima.

Batay sa blotter ng Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nagaganap ang sayawan sa lugar, nagkaroon ng mainitang argumento ang dalawa na parehong lango sa alak.

Nang magkapikunan, hinampas umano ni Brinosa si Amat ng isang bote ng alak daan upang lalo itong magalit at bumunot ng patalim na siyang ginamit upang saksakin sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang una.

Bagama’t nadala pa sa ospital ay idineklara nang dead on arrival si Brinosa habang isinugod din sa ospital si Amat bunsod ng sugat sa kanyang ulo. (E. CALMA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.