1 Patay sa Banggaan ng Trak at Fuel Tanker sa Star Tollway

DEAD ON arrival nang isugod sa ospital ang isang drayber ng truck at sugatan naman ang pahinante nito matapos bumangga ang minamanehong fuel tanker sa isang dump truck kahapon ng ala-1 sa Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway.

Binabagtas ng fuel tanker ang southbound lane ng kilometer 68, sakop ng Tanuan, Batangas nang bumangga sa dump truck sa harapan nito, batay kay STAR Tollway Security Head Carlito America.

Agaran namang sinagip ang dalawa na sina Romeo Jacobe, driver at Alejandro Pajagano, pahinante, ng Philippine Red Cross (PRC) at mga tauhan ng tollway at Philippine National Police (PNP) matapos maipit ang mga ito.

Patay ng dumating sa ospital ang drayber habang kritikal naman ang pahinante.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.