1 Patay; Isa Kritikal Magkaibigan, Initak ng Kainuman

DEAD ON arrival sa San Jose del Monte District Hospital ang isang binata, habang nasa malubhang kalagayan ang kaibigan nito makaraang pagtatagain ng kainuman sa Brgy. Minuyan, San Jose del Monte City kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay PNP provincial Director na si P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Rentario, 20, binata; habang sugatan din ang kaibigan nitong si Bernardo Daa, 26, binata. Samantala, kinilala ang tumakas na suspek na si Ricky Raagas, 42 anyos, driver, residente ng Blk-19 Lot-23 Phase -4-B, Towerville ng Brgy. Minuyan.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO1 Danilo Desmer, masayang nag-iinuman ang tatlo nang mauwi sa mainitang pagtatalo ang kuwentuhan kung saan agad na kinuha ng suspek ang isang jungle bolo at agad inundayan ng taga ang magkaibigan.

Nabatid na naglakad lamang na tumakas ang suspek dala ang jungle bolo, na tila walang nangyari. Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang  follow-up operation ng mga awtoridad habang inihahanda na ang kasong Murder at Frustrated Murder laban sa suspek.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.