1, patay; 9, sugatan sa vehicular accident sa Iloilo

 

PATAY ANG isang lalaki habang  sugatan ang siyam na katao nang bumangga sa punong-kahoy ang isang pampasaherong jeep na may rutang Igbaras-Iloilo City at vice versa sa Brgy. Buyuan, Tigbuan, Iloilo.

Kinilala ang nasawi na si Reymundo Paida, residente ng Guimbal, Iloilo na isa sa mga pasahero.

Kabilang naman sa mga sugatan ay sina Roland Celestial na siyang driver ng jeep at ang konduktor na si Rey Elumba.

Mula sa Igbaras ang jeep at papuntang lungsod ng Iloilo nang maganap ang aksidente.

Sa blotter ng Tigbuan Municipal Police Station, lumalabas na tinangka ng driver na mag-overtake sa sinusundang sasakyan subalit hindi nakontrol ang manibela at bumangga sa punong-kahoy ang jeep.

Wasak ang unahang bahagi ng jeep dahil sa naturang pangyayari. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.