1 patay, 9 sugatan sa 2 aksidente sa Benguet

ISA ANG PATAY at siyam ang sugatan sa naganap na aksidente sa kalsada sa magkakahiwalay na lugar sa Benguet.

Batay sa report, isang Toyota Land Cruiser ang nahulog sa may lalim na 200 metrong bangin sa Sitio Kalipkip, Bana-ngan, Sablan alas 8:00 ng umaga kahapon na ikinamatay ng drayber na si Bernie Opiniano, 29, may asawa ng Upper Quezon Hill, Baguio City.

Nakita pa ng mga residente ang nasabing aksidente na umano ang nasabing sasakyan ay paakyat patungong Baguio City nang mahulog ito sa bangin at ilang metro lamang ang layo sa pinaghulugan din ng Eso Nice bus noong nagdaang taon na ikinamatay ng 40 pasahero at pagkakasugat ng sampung iba pa.

Agad na humingi ng tulong ang mga residente sa pulisya at nakita ang biktima ilang metro ang layo sa kanyang sasakyan na pinaniniwalaang tumilapon ng ilang metro dahil sa paniwala ng mga imbestigador hindi ito gumamit ng seat belt.

Sa araw ring iyon, dakong alas-3:00 ng hapon, siyam na katao ang sugatan nang banggain ng isang Elf truck na puno ng mga gulay ang isang kotse na nagresulta ng karambola ng pitong iba pang sasakyan sa Demshang, Cruz, La Trinidad.

Sa mga sugatan, kabilang ang tatlong opisyal ng Bahong, La Trinidad, na mabilis na naisugod sa Benguet General Hospital at patuloy pa ang imbestigasyon sa nasabing insidente. (SAMION TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.