1 Patay; 9 Nawawala sa Bagyong Ofel

ISA NA ang nai-report na nasawi sa pananalasa ng bagyong Ofel sa bansa.
Kinumpirma ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Dir. Benito Ramos na namatay dahil sa hypothermia o sobrang lamig ang 88-anyos na biktimang si Sophia Recto ng Torrijos, Marinduque.
Sinasabing hindi umano nakayanan ng biktima ang sobrang lamig matapos na magdamag itong nababad sa ulan nang masira ang tinutuluyan nitong barong-barong.
Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga kinauukulan ang siyam kataong nawawala dahil sa bagyo.
Kinilala ni Usec. Ramos ang mga ito na sina Jonrey Acaso ng Pintuyan, Southern Leyte at Jonnie Fronda ng Odiongan, Romblon.
Sinasabing naligo ng dagat si Jonnie kasama ang mga kapatid nang tangayin nang malakas na alon habang pumalaot naman ang mangingisdang si Jonrey pero hindi na nakabalik pa.
Tatlong mangingisda din ang nai-report na nawawala sa Marinduque sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyo.
Nakilala ang mga biktima na sina Joel Po, Mario Palincid at Rene Revilla na umano’y pumalaot noon pang Martes subalit hanggang ngayon ay hindi pa naka-uwi sa kanilang mga pamilya.
Sa ngayon, kumikilos na rin umano ang mga local rescuer sa area para masagip ang mga nawawalang mangi-
ngisda. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.