1 patay, 6 sugatan sa pagsabog sa mall sa Pasig

 

NASAWI ANG isa sa guwardiyang nasugatan sa nangyaring paghagis ng granada kahapon sa Robinson’s Galleria, Ortigas, Pasig City.

Sinasabing dead on arrival ang naturang guwardiya na una nang nakipagbarilan sa dalawang salarin na nakasakay ng motorsiklo.

Nasa anim naman ang naiulat na nasugatan, kabilang ang limang bystanders sa labas ng mall na nag-aabang ng sasakyan at isa pang guwardiya na nakipagbarilan din sa mga suspek na nanloob sa isang money changer.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga awtoridad, target umano ng riding in tandem ang armored van na nag-deliver ng pera sa money changer na nasa loob ng nasabing mall.

Lumalabas din sa pagsisiyasat na dalawang granada ang inihagis ng mga suspek subalit isa lamang ang sumabog.

Ibinigay ng pamunuan ng mall ang kopya ng CCTV para sa karagdagang imbestigasyon ng mga kinauukulan.

Kaugnay nito, pinayuhan ng MMDA kahapon ang mga motorista na iwasan muna ang bahagi ng Robinson’s Galleria kung saan naganap ang pagsabog na nagdulot ng problema sa trapiko.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “1 patay, 6 sugatan sa pagsabog sa mall sa Pasig

Leave a Reply

Your email address will not be published.