1 Patay, 5 Sugatan sa Banggaan sa Skyway

NASAWI ANG isang pulis habang sugatan ang tatlo nitong kasamahan at dalawa pang sibilyan matapos maaksidente sa southbound lane ng Skyway sa Sucat, Parañaque kamakalawa.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat, nabangga ng isang sports car na walang plaka ang likurang bahagi ng Mitsubishi Adventure na sinasakyan ng mga pulis.

Sa lakas ng banggaan, nagpaikut-ikot ang Mitsubishi at tumilapon ang driver na si Police Chief Inspector Ferdinand Rosario, 37-anyos, saka nabangga pa ng paparating na Montero.

Dead on arrival sa pagamutan ang pulis na nabatid na nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Public Safety Battalion.

Sugatan naman ang mga kasamahan nitong sina PO1 Jun Rey Ibañez, PO1 Merlito Paliwa at PO1 Andrew Lamayo.

Samantala, nasaktan din sa nasabing aksidente ang driver ng sports car na si Bardwin Co, 50-anyos na negosyante at house helper nitong si Grace Alimay, 31.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang driver ng Montero.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.