1 Patay, 4 Sugatan sa Vehicular Accident sa La Union

LA UNION – PATAY ang isang lalaki habang sugatan naman ang apat nitong kasamahan matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang van sa kahabaan ng Naguillan Road sa Barangay Ribsuan, bayan ng Naguillan, La Union.

Nakilala ang nasawi na si Jonathan Nebaten, habang ang mga kasamahan nitong sugatan ay sina Tony Fabro, 46; Richard Panit, 42; Victor Rivera, 46; at Edgar Edades, 48, pawang mga residente ng lungsod ng Baguio.

Ang mga sugatan ay naka-confine ngayon sa Ilocos Training ang Regional Medical Center.

Ayon sa survivor na si Panit, pasado alas-3 ng hapon kamakalawa nang maganap ang insidente.

Inamin ni Pani na galing sila sa bayan ng Sablan, Benguet kung saan sila uminom ng alak at napagkasunduan nilang maligo sa dagat ng bayan ng Bauang, La Union bago mangyari ang aksidente.

Nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ng sasakyan si Fabro habang tinatahak nila pababa ang naturang kalsada.

Dahil dito, nagpagulung-gulong umano ang van sa gitna ng kalsada na naging dahilan sa pagkakasugat sa mga biktima.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.