1 Patay, 4 Sugatan sa Banggaan ng Ambulansya at Truck

NASA KRITIKAL na kalagayan ang dalawa sa apat na sugatan sa nangyaring banggaan ng ambulansya at 10-wheeler truck sa Villasis, Pangasinan kamakailan.

Una nang nasawi sa insidente ang driver ng ambulansya na si Roberto Natura at kasalukuyang pinaglalamayan sa La Paz Funeral Homes sa natu-rang lugar.

Ang dalawa sa mga sugatan ay nasa intensive care unit (ICU) ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGH-MC) na nakilalang sina Roldan Salungasing at si Lucille Evis na kasalukuyan pa ring ginagamot sa Sacred Heart Hospital sa Villasis.

Lahat ng mga biktima ay pasahero ng ambulansya at pawang mga miyembro ng grupong 911-on-call.

Ayon kay Paeng Valencia, lider ng naturang grupo, naghatid ng pas-yente sa Pampanga ang mga biktima at pabalik na sana ang mga ito sa City of Pines nang makabanggaan ang nakasalubong na truck sa Pangasinan.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nabanggit na insidente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.