1 Patay, 4 Naospital sa Isdang Dalapugan

PATAY ANG isang lalaki habang apat na iba pa ang dinala sa ospital matapos malason sa kinaing isda sa Barangay Cansaluay, Lungsod ng Oslob, Cebu.

Kinilala ang nasawi na si Max Jumalon Pilosopo, 42, residente ng naturang lugar.

Una rito, bumili ng dalawang kilo ng isdang Dalapugan si Pilosopo na niluto at saka pinagsaluhan.

Makalipas ang 10 minuto ay nakaranas na ng pananakit ng tiyan at pagkahilo ang mga biktima dahilan para isugod ang mga ito sa Oslob District Hospital.

Ngunit hindi na umabot sa pagamutan si Pilosopo at binawian na ito ng buhay.

Sa ngayon, patuloy pang inoobserbahan ang kalagayan ng iba pang mga biktima sa pagamutan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.