1 Patay, 4 Grabe sa Tama ng Kidlat

ISA ANG patay habang apat ang nasa grabeng kundisyon matapos tamaan ng kidlat ang kanilang sinasakyang pump boat sa Masbate.

Sinabi ni PO3 Sandro Cabintoy, naglalayag ang M/B Lady Eve noong Biyernes sakay ang lima galing sa Roxas City pauwi na ng Masbate nang kumidlat dulot ng Bagyong Gorio. Nasa ilalim noon ng signal no. 1 ang Masbate.

Kinilala ang nasawi na si Vicente Nobejas habang sugatan sina Jaime Jarenahos; Elmer Labuyo, 27-anyos; Richard Aurelio, 36; at Anelita Balintaculo, 41.

Nakaresponde naman agad sa lugar ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG).

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.