1 patay; 38 pa, naospital nang malason sa pamanhikan

 

ISA ANG PATAY habang 38 naospital nang malason sa isang handaan sa bayan ng Malalag, Davao Del Sur.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang nasawi na si Serafio Campus, Jr., 76 anyos.

Ayon kay Sr. Insp. Alexander Rasonable, hepe ng Malalag PNP, naganap ang food poisoning sa Barangay Pito kung saan 14 sa mga biktima ay nasa malubhang kalagayan at kinailangang ma-confine sa Pineda Hospital sa nasabing bayan.

Sinasabing namanhikan ang isang Lyndon Gabito, na taga-Panabo City sa isang Gemma Campus at pinag-usapan ang petsa ng kani-lang kasal.

Matapos ang salu-salo, doon na nagsimulang sumakit ang tiyan ng mga biktima.

Nasa apat na taong gulang ang pinakabata sa mga bata, samantalang ang pinakamatanda ay may edad 77 anyos.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.