1 Patay; 3 Sugatan sa Pagsabog

ISA ANG namatay habang tatlo pa ang nasugatan makaraang maghagis ng isang improvised eplosive ang isang hindi nakikilalang suspek sa harap ng isang tindahan sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Si Rodrigo Mejica, 35, walang asawa, at naninirahan sa Sityo 6, Basangay, Catmon ng nasabing lungsod ay namatay sa lugar ng pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng sharpnel sa katawan.

Samantala, kasalukuyan namang nakaratay sa Manila Central University Hospital (MCU) si Catherine Delos Santos, 27, sanhi ng grabeng tinamong sugat sa katawan habang sina Rowena Legaspi, 16 at Ric Bonza, 22, mga residente ng nabanggit na lugar ay pinalabas na sa nasabing pagamutan sanhi naman ng hindi grabeng tinamong sugat sa katawan.

Isang alyas “Bulldog” naman na sinasabing pasaway at sugapa sa ipinagbabawal na droga ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad na siyang responsable sa natu-rang insidente.

Ayon kay PO3 Jerry F. Dela Torre, may hawak ng kaso bandang alas-11:20 ng gabi nang maganap ang pagsabog sa harap ng isang sari-sari store na pag-aari ng biktimang si Legaspi na matatagpuan sa kahabaan ng Gov. Pascual Ave., Sitio 6, Brgy. Catmon.

Nabatid na kasalukuyang nakatayo ang mga biktima sa harap ng nasabing tindahan nang dumating si Bulldog at kaagad na inihagis ang hawak na pampasabog sa hindi pa nabatid na dahilan.

Kaagad namang namatay ang biktimang si Mejica habang ang tatlo pang biktima ay mabilis na dinala sa nasabing pagamutan, habang ang hindi nakikilalang suspek ay dali-daling tumakas.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawa pa ang Malabon PNP ng imbestigasyon para malaman ang tunay na pagkakakilanlan sa suspek at ang motibo na nasabing insidente.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.