1 Patay; 3 Sugatan sa Pagsabog sa Valenzuela

ISA ANG patay habang tatlo ang sugatan sa pagsabog sa Pilipinas Tire Rubber Corporation sa Barrio Ugong, Valenzuela City.

Sinabi ni PO1 Jonathan Bolinao na su-mabog ang isang makina ng pagawaan ng gulong.

Naputulan ng paa at nasawi sa insidente si Bongbong Danding, 36-anyos.

Isinugod naman sa pagamutan sina Segundo Enriquito, 34-anyos; Medi Espinueva, 25; at Reynaldo Espinosa, 32.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagsisiyasat sa nangyaring pagsabog.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.