1 Patay; 25 Sugatan sa Banggaan ng 2 Bus

HINDI NA umabot pa ng buhay sa pagamutan ang isang lalaki sa Camarines Sur matapos ang naganap na banggaan ng dalawang pampasaherong bus.

Kinilala ang biktimang si Arnulfo Baesa, 49-anyos ng bayan ng Baao.

Base sa impormasyong nakalap ng mga awtoridad, galing Metro Manila at patungo sana ng Tabaco City ang Isarog Bus nang tumigil ito sa bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Palong, bayan ng Libmanan para magbaba nang pasahero.

Laking gulat na lamang umano ng driver na si Edwin Sadra nang banggaan sila sa likuran ng kasunurang Alps Bus.

Sa lakas ng impact, wasak ang likurang bahagi ng Isarog Bus maging ang harapan ng bumanggang bus.

Nagkataong nasa u-nahan ng Alps Bus ang biktima na nagtamo ng matinding tama sa katawan at ulo.

Samantala, pasa at bukol naman ang inabot ng 26 na pasahero ng dalawang bus.

Agad namang sumuko ang salarin na si Felix Balila Sr. na kinasuhan na ng reckless imprudence resulting in homicide, damage to properties at multiple injuries.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.