1 Patay; 22 Nakaligtas sa Lumubog na Bangka

LIGTAS NA nakabalik sa kani-kanilang mga tahanan ang aabot sa 22 mga pasahero matapos na masagip sa lumubog na sinasakyang bangka sa Sorsogon.

Subalit, isang 18 anyos na dalaga ang namatay matapos malunod sa gitna ng dagat.

Kinilala ang biktima na si Rosemarie Rebusora, na natagpuan na lamang na nagpapalutang-lutang sa tubig i-lang metro lamang ang layo kung saan lumubog ang sinakyan nilang bangka.

Base sa report ng mga awtoridad, napag-alaman na bandang alas-2:00 ng hapon, habang naglalayag sa karagatang sakop ng Brgy. San Rafael, Pilar, nang hampasin ang mga ito ng malalaking alon at lumubog.

Mabuti na lamang at agad na rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na matanggap ang distress call kung saan nasagip ang 22 pasahero.

Samantala, napag-alaman na ang nasabing bangka ay galing sa Barangay Dapdap at patunggo na sa Pilar Port.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.