1 patay, 2 sugatan sa vehicular accident

MATINDING KALUNGKUTAN ang sinapit ng kambal makaraang makisaya sa piyesta ay mabangga ang kanilang sinasakyang motorsiklo na nagresulta ng kamatayan ng isa sa bayan ng Mayorga.

Kinilala ang nasawi na si Lito Bragamonte, 23 anyos habang sugatan ang kambal nito na si Lino at pinsang si Armando.

Ayon kay Sr. Insp. Allan Camasin, galing sa piyesta ang mga biktima nang hindi na makontrol ang manibela sa minamanehong motorsiklo dahilan para bumangga sila sa pader sa kalsada.

Sa pagresponde ng mga pulis sa pinangyarihan ng insidente, napag-alaman na nakainom umano ang mga biktima.

(EUNICE CALMA )

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.